It’s Showtime July 19, 2024 | Full Episode

2024-07-19に共有
Friday na! Yay! Para katapusan ng work week ay mas maging okay, maki-party muna with the ‘Showtime’ family. Ang party buddy natin for today, si Kapamilya heartthrob Rob Blackburn na may bagong nakakakilig na single.

Mga kantang hit na hit, ipapahula ng mga cute ng bulilit sa “Karaokids.” To the highest level ang energy nina Enicka, Imogen, Jaze at Kelsey na may pa-sample pa ng isang kanta mula sa BINI.

Amazing ka ‘pag nahulaan mo ang kanta kahit lyrics ay malabo. Pero kung nakasagot ka kahit dance steps lang ni Kelsey ang basehan, aba, ibang level na ‘yan!

Si Andrei ang naging lakas ni April sa panahon ng kahinaan, at kaligayahan sa oras ng kalungkutan. Pero bakit pagmamahalan nila ay nagtapos sa hiwalayan? Dito sa “EXpecially For You,” kwento nila ay tunghayan.

Attraction at first sight ang naramdaman ni Andrei kay April. Love at the right time ang kwento nila kung babalikan, dahil si Andrei, dumating kung kailan kailangan ni April ng taong masasandalan.

Pero dahil sa sund-sunod na problema, pagiging working student mula nang mawalan ng ama, at sa hirap na dinaranas dahil sa sakit ng ina, naguluhan ang isip at puso ni April. Dagdag pa sa bumugbog sa pagkatao niya ang mga insecurities dulot ng kanyang kondisyon na alopecia.

Buong-buo ang pagtanggap ni Andrei kay April. Nang malaman niya ang kondisyon ni April, binigay nya ang mga bagay na magpapalakas sa self-confidence ng nobya. But things take time. At ngayo’y mahal na lamang nila ang isa’t-isa bilang magkaibigan.

Bago ang ‘prelims’ bukas, dalawang estudyante ang susubok na humabol sa lineup. Dito sa “Tawag Ng Tanghalan,” ang pamantayan ay boses na pangmalakasan. Laban ay sinimulan ni Aaliyah Geling ng St. Thomas Academy. Mamahalin mo ang kanyang pag-awit ng “Mahal Kong Pilipinas.” Dahil sa piyesa ni Aaliyah, napa-reflect ang ‘Showtime’ family sa mga bagay na kamahal-mahal sa Pilipinas.

Present din si Jelane Rodillas ng Immaculate Conception I-College of Arts and Technology na umawit ng “Ngayon at Kailanman.” Kung magta-travel solo, pangarap ni Jelane na makarating ng Canada dahil sa idol niyang si Darren Espanto. At para mapangiti si Jelane, OMG, tumawag si Darren!

Alamin ang komento nina Nonoy Zuniga, Marco Sison, at Dingdong Avanzado at kung sino ang nakakuha ng mas mataas na grado.

コメント (21)
  • @rubenbitas401
    I’m a man but watching this episode , I melt down . I felt the pain and the struggle of the young lady. She needs more help. Vice please help her , I know you can help her because you have a golden heart. This young lady has a lot of kindness in her soul and heart.
  • @hersheychx03
    I think Andrei loves her unconditionally. She just needs to let people in.
  • @user-po2ik8ul3x
    relate talga ako ako Mime kasi Big C survivor ako , during my chemo treatments nawala din hairs ko at nag wig while teaching , nakaka hirap but wearing it gave me confidence and helped me hide what I was going through bcoz hindi lahat may alam that I was battling with Big C . Napaiyak mo ako Mimee ? and it brings back memories again but this time can look back amd smile after 20 years . The best talaga nag show ninyo more power . Sobrang lakas ng loob mo natanggin ang wig mo just to comfort the guest .
  • @MaryJayGarcia
    Naiyak ako sa episode na'to grabe! 😭😭😭🥹🥹🥹 I salute you Meme Vice! 🫡🫡🫡 You're so beautiful, strong, and brave! 💪😭👏 One of the best episodes 'to ng It's Showtime! 👏👏👏😭😭😭🫶🫶🫶
  • Oh my! This episode got me. Super na napaiyak ako. Lalo na ng sinabi ni Vice “mahal ako ni Lord” it touched me to the bones. Lalo mo ako pinahanga Vice….you and April are beautiful 🥰
  • @Beng6789
    Ang sakit ng episode na ito. Ang dami ko ng iyak, tinatanggal pa lang ni vice ang wig niya. Exposing yourself like what vice did is so brave👏🏻👍
  • Best episode! 🩷🩷🩷 Sna mga nagbabash kay Meme Vice… Maging proud nmn ngyn! Di puro bash lng!
  • @beavicky20
    Grabe iyak ko pagtanggal ng wig ni Meme Vice. 😭😭😭 I’m so proud of you! We love you Meme! And April laban lang sa buhay! May God heal and bless you and your Mom ❤
  • @annriv
    Grabe, hindi ko inexpect na maiiyak ako ng ilang beses sa episode na 'to ng Expecially for You! This is very inspirational and an eye-opener... na kahit nakikita natin silang masaya, di natin alam na may mga insecurities at pinagdadaanan din sila. Kaya wag maging judgemental. Di natin alam ang mga pinagdadaanan ng bawat tao. ❤
  • @AmeraAmag
    It's 2:02am here in Saudi Arabia watching this 😢😢dami Kong iyak love u meme😊 and april
  • Grabe yong iyak ko dito.😍 Big hug Sayo April laban lng Hanggang sa dulo mag tatagumpay ka talaga soon and always pray.
  • @lynmereria770
    Ilang videos na nito ang napanood ko sa fb,and now im here para sa full episode,at kung ilang beses kona napanood,ilang beses dn ako umiyak paulit ulit😢 sana gawin syang scholar ni meme at help ang mother nya para gumaan gaan pkiramdam nya ❤
  • Hindi ko mapigilan luha ko,at ang laki ng panghihinayang dahil hindi ko napanood kahapon ang showtime dahil naubusan ng load g-sat namin pero gumawa po ako ng paraan nagload po ako ng cellphone ko ngayon para mapanood lang full episodes ng expecially for you..salute po sayo vice at april ..napaiyak ako ng sobra..😭
  • @joy052211
    Thank you so much, Vice! You are such a genuine person. Thank you for giving showing us your strength. You are such an inspiration.
  • @user-xg5fd3jp7n
    Grabi iyak ko, tumulo pati sipon ko sa expecially episode na ito. Lalo na ng tinanggal ni Meme Vice ang wig niya. Love you Meme vice. And to April laban lang sa buhay. God will bless you!
  • Ohhh naiyak Ako. Iloveyou vice. Godblessyou and the showtime family❤❤❤.shout-out from ofw Kuwait
  • @irmatan8566
    Watching from Riyadh, Saudi, di ko napigilan umiyak sa service bus namin habang pauwi sa dorm. Love this episode of Showtime, dami makaka- relate. ❤
  • @DebbieGalinato
    10x ko natong pinapanuod naiiyak pa rin ako 😭😭😭😭
  • @amycruz5290
    Actually marami naman ng mga women na wala or short hair eh,they don't even use wig but they owned it with pride.